Ipinatalastas kahapon ni Joseph "Erap" Estrada, Alkalde ng Maynila na mangunguna ang kanyang siyudad sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Kabilang sa mga idaraos na selebrasyon na nasa pagtataguyod ng Pamahalaang Munisipal ng Maynila ay ang Hapunan ng Pagkakaisa o Solidarity Dinner ngayong gabi na lalahukan ng mga opisyal ng Maynila at mga kinatawan ng Chinese Community na susundan ng musical fireworks display.
Bukas naman, 6,000 Tikoy ang ipamamahagi sa Plaza San Lorenzo. Pagkatapos, idaraos ang Solidarity Parade sa Chinatown. Lalahukan ito ng mga opisyal ng Maynila, lider ng Chinese Community at lider ng mga samahang sibiko.
Salin: Jade