Ipinatalastas kamakalawa ng panig pulisya ng Thailand na 200 libong pulis ang idedeploy sa mga polling booth sa iba't-ibang lugar ng bansa para mapangalagaan ang kaayusan. 10 libong pulis ang idedeploy sa Bangkok para maigarantiya ang maalwang pagdaraos ng pambansang halalan sa ika-2 ng susunod na buwan.
Ipinahayag kamakalawa ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Caretaker Government ng Thailand, na bagama't nagaganap ang demonstrasyong kontra-gobyerno sa iba't-ibang lugar ng bansa, nananalig aniya siyang boboto ang mga rehistradong botante. Nanawagan din siya sa iba't-ibang departamento, partikular na sa tropang panseguridad, na igarantiya ang maalwang pagboto ng mga mamamayan.
Salin: Li Feng