|
||||||||
|
||
Iminungkahi ngayong araw ng Hilagang Korea na idaos ang talastasan hinggil sa pagtitipun-tipon ng mga nawalay na pamilya ng Hilaga at Timog Korea sa ika-5 o ika-anim ng buwang ito. Iminungkahi rin nitong ang Timog Korea ang magpapasiya ng eksaktong petsa ng nasabing talastasan.
Ipinahayag naman ng Timog Korea ang pagtanggap sa nabanggit na mungkahi ng H. Korea. Sang-ayon ang dalawang panig na magkaroon ng talastasan sa ika-5 ng buwang ito.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |