Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang karapatan at kapakanan ng Tsina sa South China Sea ay mayroong batayang pangkasaysayan at ito ay nasa ilalim ng pangangalaga ng pandaigdigang batas.
Nauna rito, ipinahayag ni Daniel Russel, Asistentang Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang nine-dash line ng Tsina sa South China Sea ay labag sa prinsipyo ng pandaigdigang batas at dapat baguhin ng Tsina ang paninindigan nito hinggil dito. Sinabi ni Hong na umaasa siyang gaganap ng konstruktibong papel ang Amerika sa rehiyong ito, batay sa obdiyektibo at makatarungang atityud.
Dagdag pa ni Hong, buong sikap na nilulutas ng Tsina, kasama ng mga may-kinalamang bansa, ang mga hidwaan sa South China Sea sa pamamagitan ng direktang talastasan. Bukod dito, sinabi rin ni Hong na palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa katatagan, kasaganaan at kapayapaan sa rehiyong nabanggit.