|
||||||||
|
||
Sa Sochi, Rusya, nasungkit dito kahapon ng Tsina ang unang medalyang pilak sa idinaraos na Winter Olympics.
Si Han Tianyu, 17 taong gulang, ang nanalo ng medalyang pilak sa men's 1,500m short track speed skating.
Nagtala si Han ng rekord na 2 minuto at 15.055 segundo. Mas mabagal ito ng 0.070 segundo kumpara sa rekord ni Charles Hamelin mula sa Kanada na nanalo ng medalyang ginto.
Si Victor An, 2006 Olympic triple gold medalist ng South Korea at kasalukuyang kumakatawan sa Rusya ay pumangatlo sa laro at tumanggap ng tansong medalya.
Opisyal na sinimulan ang Sochi Winter Olympics noong ika-8 ng buwang ito sa Sochi, Rusya.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |