Sinimulang dinggin kahapon ng Hukumang Kriminal ng Cairo, Ehipto ang kaso ng pang-e-espiya na isinampa laban kay dating Pangulong Mohamed Morsy at 35 prominenteng miyembro ng Muslim Brotherhood. Pero, sa harap ng pagtanggi ni Morsy sa naturang akusasyon, ipinagpaliban ng korte ang paglilitis hanggang sa ika-23 ng buwang ito.
Ang naturang mga akusado ay inakusahan ng pagbibigay ng sensitibong impormasyong militar ng Ehipto sa mga organisasyong dayuhan na kinabibilangan ng Hamas ng Palestina. Akusado rin sila sa kasong pagbibigay ng pondo sa mga organisasyong teroristiko.