Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Layunin ng pamahalaang makakuha ng dagdag na foreign investments

(GMT+08:00) 2014-02-17 19:02:40       CRI

ANG paghahanap ng mga bagong foreign investments ang prayoridad ng Pamahalaang Aquino.

Ayon kay Kalihim Edwin Lacierda, dadalo si Pangulong Aquino sa ikatlong Euromoney Philippines Investments Forum. Itatampok ni Pangulong Aquino ang mga nagawa sa larangan ng ekonomiya na nag-uugat sa magandang pagpapatakbo ng pamahalaan.

Ipinaliwanag pa ni Kalihim Lacierda na nananatili ang pangako ng pamahalaang patatagin ang mga nakamtang kaunlaran at magkaroon ng benepisyo ang mas malawak na bilang ng mga mamamayan.

Nakatakda ring makausap ni Pangulong Aquino si Mayor Edwin Lee ng San Francisco City at ang Sister City Committee Delegation sa kanilang pagdalaw sa Malacanang.

Ayon kay Kalihim Lacierda, si Mayor Lee ang kauna-unahang Asian American na nahalal na punong lungsod ng San Francisco. Mahalaga ang kanyang papel sa pagsasanib ng iba't ibang immigrant groups sa lungsod na katatagpuan ng lumalaking Filipino-American community.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>