Ayon sa ulat ng pambansang media na New Light of Myanmar kamakalawa, noong ika-14 ng buwang ito, kinasuhan ang limang mamamahayag na galing sa isang pribadong media na Unity Journal dahil sangkot ang mga ito sa pagsisiwalat ng sekreto ng bansa.
Napag-alamang, sa isang ulat na ipinalabas noong ika-25 ng Enero, inilatad ng mga mamamahayag ang isang planta ng pamahalaan ng Myanmar na itinayo sa Pauk, sa gitna ng bansa para yariin ang sandatang kemikal.
Inamin noong ika-5 ng buwang ito ni Ye Htut, Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Myanmar na totoong mayroon isang planting militar roon, pero, hindi ito gumagawa ng sandatang kemikal. Para mapangalagaan ang seguridad ng bansa, dapat pangalagaan ang sekreto ng mga kinaroroonan ng military instalasyon.