Sa Yangon, Myanmar — Idinaos dito kamakalawa ang Ika-25 Pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) High Level Task Force (HLTF) on Economic Integration. Ang layon ng pulong ay ibayo pang pasulungin ang malayang kalakalan sa mga bansang ASEAN. Dumalo sa pulong si Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Lin Hong Hin ng ASEAN, at matataas na opisyal ng iba't-ibang bansang ASEAN.
Ipinahayag ni San Lwin, Pangalawang Ministro ng Pambansang Plano at Pag-unlad ng Kabuhayan ng Myanmar, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na tinalakay sa pulong ang hinggil sa, pangunahin na, target ng pagtatayo ng ASEAN Economic Community (AEC) bago magtapos ang taong 2015, prospek ng pag-unlad ng AEC pagkatapos ng 2015, at mga gawaing dapat gawin sa kasalukuyan. Hanggang sa ngayon, lumampas na sa 86% ang nakumpletong plano ng konstruksyon ng AEC.
Salin: Li Feng