Pinagtibay kahapon ng UN Security Council ang isang resolusyon hinggil sa makataong tulong sa Syria para humiling sa iba't ibang may kinalamang panig na maigarantiya ang maayos, mabilis at ligtas na paghahatid ng mga pangangailangan ng apektadong mamamayan ng sagupaan sa Syria.
Winelkam ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN ang pagpapatibay ng naturang resolusyon. Sinabi niya na buong sikap na magkakaloob ang UN ng tulong at pangangalaga sa mga mamamayan ng Syria.
Kaugnay nito, sinabi ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat magkakasamang umaksyon ang komunidad ng daigdig para isakatuparan ang naturang resolusyon ng UN. Inulit niya na patuloy na kakatigan ng Tsina ang pagsisikap ng UN sa paglutas ng isyu ng Syria at ipagkakaloob ang mga makataong tulong sa Syria.
Sinabi ni Liu na ang paraang pulitikal ay ang tanging paraan sa paglutas ng isyu ng Syria. Umaasa aniya siyang igigiit ng komunidad ng daigdig ang paraang pulitikal sa paglutas ng isyung ito, at igagalang ang kapangyarihan ng mga mamamayan ng Tsina sa pagpili ng kinabukasan ng kanilang bansa para isakatuparan ang kapayapaan at rekonsilyasyon sa bansang ito