|
||||||||
|
||
Hanggang kaninang umaga, 29 na katao na ang naiulat na namatay at mahigit 130 iba pa ang nasugatan sa teroristikong pag-atake na naganap kagabi sa Kunming Railway Station ng Tsina.
Samantala, napatay ng mga pulis ang 4 na terorista at inaresto ang isa.
Kaagad namang naisugod sa ospital ang mga nasugatan at napanumbalik na ang kaayusan sa Kunming Railway Station.
Ayon sa inisyal na resulta ng imbestigasyon, ang naturang teroristikong insidente ay isinagawa ng mga taong sumusuporta sa pagsasarili ng Xinjiang.
Kunming Railway Station, napanumbalik ang kaayusan at normal na takbo na.
Pagkatapos ng insidenteng ito, agarang inutusan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga may kinalamang departamento, na agarang suriin ang katotohanan ng insidente at arestuhin ang mga natitirang may kagagawan. Bukod dito, inatos din nina Xi at Li na gamitin ng mga departamento ng Pampublikong Seguridad ang mga katugong hakbangin para pigilan ang pagkaganap muli ng ganitog pag-atake, at pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Dumating ngayong madaling araw sa Kunming si Kalihim Meng Jianzhu ng Political and Legislative Affairs Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Kataas-taasang opisyal ng Tsina na namamahala sa mga suliranin ng hudisyal at pampublikong seguridad, para bigyang-patnubay ang pagsusuri sa insidenteng ito. Bukod dito, nakiramay siya sa mga nasugatan at kamag-anak ng mga biktima.
Bumisita si Meng (Gitna) sa mga nasugatan sa teroristikong pag-atake
Sa pamamagitan naman ng isang pahayag, matinding kinondena ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang teroristikong pag-atake sa Kunming. Sinabi niya na hinding hindi mapapahintulutan ang anumang teroristikong pag-atake na nakatuon sa mga sibilyan.
Bukod dito, ipinahayag din niya ang pakikiramay sa mga nasugatan at kamag-anak ng mga biktima.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |