Ipinahayag kahapon ng panig pulisya ng Tsina na nahuli ang tatlong suspek na pinaghihinalaang sangkot sa teroristkong atake sa Kunming Railway Station noong unang araw ng Marso.
Ayon sa pahayag ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, may kagagawan ng pananaksak ang teroristikong grupo na pinamumunuan ni Abdurehim Kurban. Binubuo ang grupo ng anim na lalaki at dalawang babae. Sa pinangyarihan ng atake, apat sa kanila ang napatay ng mga pulis, at isa ang naaresto.
Noong gabi ng nagdaang Sabado, walang-habas na sinaksak ng mga terorista ang mga tao sa Istasyon ng Tren ng Kunming, kabisera ng lalagiwang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina. 29 mamamayang Tsino ang napatay at 143 ang nasugatan sa pag-atakeng ito. 20 sa 143 sugatan ay nasa kritikal na kondisyon pa rin.
Salin: Jade