|
||||||||
|
||
Nag-usap kagabi sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.
Ipinahayag ni Merkel na inaasahan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Alemanya ang pagdalaw ni Pangulong Xi. Positibo aniyang naghahanda ang Alemanya para rito. Aniya pa, nananalig siyang tiyak na magiging matagumpay ang pagdalaw na ito, at pasusulungin nito ang ibayo pang pag-unlad ng estratehikong partnership ng Alemanya at Tsina.
Nagpahayag din ng pakikiramay si Merkel sa nawawalang pampasaherong eroplano ng Malaysia Airlines.
Ipinaalam din niya ang palagay at kalagayan ng medyasyon hinggil sa kasalukuyang situwasyon ng Ukraine. Aniya, umaasa ang kanyang bansa na angkop na malulutas ang isyung ito, sa paraan ng diyalogo. Aniya pa, pinahahalagahan ng Alemanya ang papel ng Tsina, at nakahandang palakasin ng kanyang bansa ang pakikipag-ugnayan sa Tsina.
Tinukoy naman ni Pangulong Xi na nananawagan ang Tsina sa iba't ibang panig na magtimpi, at lutasin ang mga pagkakaiba sa paraan ng diyalogo at talastasan, para mabawasan ang ibayo pang paglala ng situwasyon.
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |