Matapos matanggap ang balita hinggil sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysian Airlines noong ika-8 ng buwang ito, nagpadala nang araw ring iyon si Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore ng mensahe sa pamamagitan ng telepono kay Najib Razak, Punong Ministro ng Maylaysia. Ipinahayag niya ang kanyang damdamin sa pinakahuling kalagayan at pakikiramay sa mga pasahero ng eroplano at kanilang pamilya. Aniya, magkakaloob ang Singapore ng tulong sa abot ng makakaya nito.
Patuloy na binabantayan ng mga mamamayan ng Singapore ang pinakahuling kalagayan ng nawawalang eroplano, at nananalangin para sa kaligtasan ng mga taong lulan nito.
salin:wle