Bumisita kahapon ang joint working group ng Tsina sa Malaysian Aviation Emergency Center na nasa paliparan ng Kuala Lumpur. Nagpalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa mga may-kinalamang kalagayan.
Ipinahayag ng panig Tsino ang pag-asang palalawakin, kasama ng panig Malaysian, ang paghahanap at pagliligtas sa mga pasahero ng Flight MH370.
Idinagdag ng panig Tsino, na kagyat na isasapubliko ang mga impormasyon hinggil sa pag-unlad ng search at rescue operation. Samantala, umaasa ang Tsina na bibigyan ng kaginahawaan ng Malaysia ang mga pamilya ng mga nawawalang pasaherong Tsino.
Ipinahayag naman ng panig Malaysian na ipagpapatuloy nito ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Tsina, paghananap at pagliligtas sa mga nawawalang pasahero, at pagbibigay-ginhawa sa pamilya ng mga nawawalang pasaherong Tsino. Ang naturang grupo ay nasa ilalim ng pamumuno ng opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina.