Ayon sa pahayagang Golden Phoenix ng Myanmar, umabot sa 22.9 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Myanmar noong 2013 na mas malaki ng 26.9% kumpara sa gayong ding panahon ng tinalikdang taon. Ito ay kinabibilangan ng pag-aangkat ng 11.8 bilyong dolyares at pagluluwas naman ng 11 bilyong dolyares.
Bilang pinakamalaking trade partner ng Myanmar, umabot sa 6.4 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalang panlabas sa Tsina noong 2013, na lumaki ng 31.8% kaysa noong nagdaang 2012. Ang Thailand naman ay pangalawang malaking trade partner ng bansa.