Pumapasok na ngayon sa ika-sampung araw ang paghahanap at pagliligtas sa nawawalang Malaysia Airlines Flight MH370. Hinimok kahapon sa Kuala Lumpur ni Guo Shaochun, Puno ng Magkasanib na Working Group ng Tsina, ang panig ng Malaysia na palawakin ang saklaw ng paghahanap. Sinabi rin ni Guo na nakarating na sa KL ang mga dalubhasang Tsino sa abiyasyon para makipagtulungan sa Malaysia sa imbestigasyon.
Ipinahayag naman kahapon ni Hishammuddin Tun Hussein, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Malaysia na sa kasalukuyan dumami na sa 25 mula sa 14 ang mga bansang kalahok sa paghahanap ng nawawalang eroplano. Ipinahayag din ng panig pulisya ng Malaysia na pinahihigpit nila ang imbestigasyon sa mga crew members at pasahero ng eroplano.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong ika-8 ng buwang ito (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan di-umano'y ito ng kontak sa air traffic control.
Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade