|
||||||||
|
||
Pumapasok ngayon sa ika-13 araw ang pagkawala ng Malaysia Airlines MH370. Pinahihigpit ng Tsina at Malaysia ang kanilang pagtutulungan para sa paghahanap at pagliligtas sa nawawalang eroplano.
Panaklolong Bapor ng Tsina
Ipinahayag kahapon ng panig militar ng Tsina na patuloy na magpapadala sila ng mga bapor at eroplano para sa paghahanap. Ipinahayag naman ng panig Malay na magkakaloob ito ng anumang asiste para sa panig Tsino.
Panaklolong Bapor ng Tsina
Lumisan kahapon ang mga bapor-Tsino sa rally point na malapit na Singapore para pasimulan ang paghahanp at pagliligtas sa pangalawang yugto. Naghiwalay ang mga bapor sa dalawang grupo: ang isa ay patungong hilaga sa Bay of Bengal samantalang ang isa naman ay nagpapatimog sa Sunda Strait.
Ipinahayag naman ng India na sa kahilingan ng Malaysia, magpapadala ang hukbong panghimpapawid ng bansa ng dalawang eroplano para panumbalikin ang paghahanap at pagliligtas sa Southern Indian Ocean.
Kinumpirma naman kahapon ng hukbong pandagat ng Amerika na nakarating na ng Australia ang isang P-8A Poseidon patrol aircraft para ipagpatuloy ang paghahanap at pagliligtas sa Southern Indian Ocean.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong ika-8 ng buwang ito (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan di-umano ito ng kontak sa air traffic control.
Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |