Ipinahayag kagabi ni William Max, Tagapagsalita ng United States Seventh Fleet, na lilipad muli ngayong araw (Australian time) sa Australia ang isang patrol aircraft ng American Navy papuntang karagatan kung saan natuklasan ang pinaghihinalaang debris mula sa nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines. Tutulungan aniya nito ang search operation na pinamumunuan ng Australia.
Ayon kay Max, isinagawa kahapon ng naturang patrol aircraft ang isang araw na paghahanap sa Australia, ngunit hindi nito nakita ang anumang pinaghihinalaang debris ng nawawalang eroplano.
Salin: Li Feng