Ang "Xue Long," bapor ng Tsina
Ayon sa pinakahuling kalagayan at mungkahi ng pamahalaan ng Tsina hinggil sa paghahanap ng nawawalang MH 370 Flight ng Malaysia Airlines, napagpasiyahan kagabi ng Ministri ng Transportasyon ng Tsina na isaayos ang kasalukuyang search at rescue plan, at ipapadala nito ang mga bapor papuntang South Indian Ocean.
Ayon pa sa Maritime Search at Rescue Center ng Tsina, ang "Xue Long," bapor para sa imbestigasyong siyentipiko ng Tsina sa Antarctica ay papuntang karagatan kung saan natuklasan ang pinaghihinalaang debris mula sa MH 370 Flight mula sa satellite ng Australia. Kasalukuyang nasa Perth City, Australia ang naturang bapor.