Nagtagpo kahapon sa Amsterdam, kabisera ng Nerherland sina Haring Willem-Alexander Claus George Ferdinand at Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
(mula sa kaliwa ng litrato) si First Lady Peng Liyuan ng Tsina, Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Haring Willem-Alexander Claus George Ferdinand ng Netherland, Reyna Máxima Zorreguieta Cerruti, at dating Renya Beatrix Wilhelmina Armgard
Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa serbisyong pinansiyal at paglaban sa terorsimo. Bukod dito, kapwa nila ipinahayag ang pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang bansa para maayos na harapin ang mga hamong pandaigdig.
Inaanyayahan ni Haring Willem-Alexander si Xi na isagawa ang dalaw-pang-estado sa Netherland. Sa kanyang pananatili doon, dumalo rin si Xi sa ika-3 Nuclear Security Summit na idinaos sa Hague.
Pagkatapos ng Netherland, dadalaw rin si Xi sa Pransya, Alemanya, at Belgium.