Kaugnay ng pag-uusap kahapon sa Hague sa pagitan ng mga Pangulong Tsino at Amerikano, ipinahayag ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na konstruktibo ang naging pag-uusap.
Inilahad ni Qin ang mga komong palagay na narating ng dalawang panig, na gaya ng pagpapabilis sa talastasan hinggil sa kasunduan ng pamumuhunan, pagtutol sa proteksyonismo sa kalakalan at pamumuhunan, pagtatatag ng military connectivity mechanism at pagbalangkas ng regulasyong panseguridad hinggil sa aksyong militar sa karagatan at himpapawid ng open sea, at pagtutol sa ibat-ibang teroristikong aktibidad. Nagpalitan din aniya sila ng kuru-kuro hinggil sa pagpapanumbalik ng Six Party Talks sa lalong madaling panahon.