Sa pakikipag-usap kahapon sa Hague kay Pangulong Barack Obama ng Amerika, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang noong isang taon, nananatiling mahigpit ang kanilang pagpapalitan sa pamamagitan ng ibat-ibang tsanel, at isang serye ng pagkakasundo ang narating. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano.
Ipinahayag niya ang pag-asang maisasakatuparan ang malusog at pangmatagalang pag-unlad ng relasyong ito, batay sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, at mabisang makokontrol ang pagkakaiba ng palagay at mga isyung sensitibo.