Sa kabila ng mga di-paborableng elemento na gaya ng masamang panahon sa search region, ipinagpatuloy kahapon ng search and rescue team ng Tsina ang paghahanap ng nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Kaugnay ng kalagayan ng paghahanap ng naturang eroplano, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa loob ng darating na ilang araw, isasagawa ng walong (8) bapor ng Tsina ang paghahanap sa kinauukulang karagatan. Totohanan aniyang isasaayos ng panig Tsino ang puwersang pandagat at panghimpapawid para komprehensibong mapasulong ang search and rescue operation.
Binisita kahapon sa Kuala Lumpur ni Zhang Yesui, espesyal na sugo ng pamahalaan, at Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga kamag-anakan ng pasaherong Tsino sa flight MH370. Sinabi ni Zhang na hanggang sa ngayon, gumagamit ang bansa ng 21 satellite, mahigit 10 bapor at 10 eroplano sa paghahanap ng eroplano.
Salin: Li Feng