Tumulak ngayong araw ang Ika-17 Plota ng Hukbong-dagat ng Tsina para lumahok sa paghahanap sa nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines. Tapos ng tungkuling ito, pupunta ang nasabing plota sa rehiyon ng Gulf Aden at Somalia para halinhan ang Ika-16 na Plota ng Hukbong-dagat ng Tsina sa pagsasagawa ng tungkulin ng pagkokomboy doon.
Sinabi ni Huang Xinjian, Komander ng Ika-17 Plota na mataimtim na gumawa ang kanyang grupo ng mga may kinalamang plano at kanilang dinala rin ang maraming propesyonal na intalasyong panaklolo.