Bilang tugon sa isinumiteng memorial ng Pamahalaang Pilipino sa Arbitral Tribunal kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), inulit ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang solemnang paninindigan ng panig Tsino sa usaping ito. Aniya, hindi tinatanggap at hindi lalahok ang Tsina sa arbitrasyong ito.
Buong tigas din niyang ipinahayag na ang pagpapasulong sa naturang arbitrasyong pandaigdig ay naglalayong patakpan ang ilegal na pagsakop sa teritoryo ng Tsina, at isa ring panunulsol para magkaroon ng hidwaan sa South China Sea.
Salin: Li Feng