Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isinumiteng memorial ng Pilipinas para sa arbitrasyon, hindi tatanggapin ng Tsina

(GMT+08:00) 2014-03-31 09:35:14       CRI

Si Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina

Bilang tugon sa isinumiteng memorial kahapon ng Pamahalaang Pilipino sa Arbitral Tribunal kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi ito tatanggapin ng kanyang bansa.

Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, sang-ayon ang mga signataryong bansa na lutasin ang alitang pandagat sa pamamagitan ng talastasan, sa pagitan ng mga may direktang kinalamang bansa. Mababasa rin aniya ang katulad na tadhana sa mga kasunduang narating ng Tsina at Pilipinas. Kailangan aniyang sumunod sa pangako ang Pilipinas.

Idinagdag ni Hong na ang alitan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng SCS ay may kinalaman sa soberanya sa ilang isla at reef, at sa delimitasyon sa hanggahang pandagat ng dalawang bansa. Kaugnay nito, nagpalabas ng pahayag ang Tsina noong 2006, batay sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Anang pahayag, hindi tatanggapin ng Tsina ang paglutas sa ganitong alitan, sa pamamagitan ng arbitrasyon. Ipinakikita nitong nababatay sa UNCLOS ang pagtanggi ng Tsina sa isinumiteng memorial ng Pilipinas para sa arbitrasyon.

Muling hinimok ng tagapagsalitang Tsino ang Pamahalaang Pilipino na bumalik sa hapag ng talastasanan at buong-higpit na tumalima DOC.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>