Pinagtibay kaninang umaga ng Gabinete ng Hapon ang bagong "Three Principles on Arms Exports" para malakihang paluwagin ang kondisyon ng pagluluwas ng Hapon ng sandata, kasangkapan at teknolohiyang militar.
Ayon sa bagong "Three Principles," puwede magluwas ang Hapon ng mga sandata, kasangkapan at teknolohiya sa susunod na kondisyon: Una, ito ay makakabuti sa pagpapasulong ng kapayapaan at kooperasyong pandaigdig. Ikalawa, ito ay makakabuti sa seguridad ng Hapon. Batay dito, puwedeng makipagtulungan ang Hapon sa iba pang bansa hinggil sa magkasamang paggagalugad at pagpoprodyus ng sandata at kasangkapan, lalong lalo na sa Amerika, para maigarantiya ang kaligtasan ng aktibidad na pandagat ng Japan Self-Defense Agency at mga Hapones.
Salin: Andrea