Lumalala ang kalagayan sa Korean Peninsula, bunsod nito magkahiwalay na nagpahayag kahapon ang Amerika at Rusya ng lubos na pagkabalisa tungkol dito.
Ipinahayag kahapon ng panig militar ng Timog Korea na umabot sa teritoryong pandagat ng bansa ang ilang bala ng kanyon at missle mula sa pagsasanay-militar ng Hilagang Korea. Dahil dito, gumanti ng putok ang panig Timog Koreano.
Pinuna kahapon ni Jay Carney, Tagapagsalita ng White House ang H.Korea na ang aksyong ito ay mapanganib at isang probokasyon, inulit niya ang pangakong panseguridad ng Amerika sa mga kaalyadong bansa.
Sa isang pahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Rusya, ikinababalisa ng Rusya ang paglala ng tensyon sa Korean Peninsula, nanawagan silang sana'y maiwasan ang ibayo pang paglala.
salin:wle