|
||||||||
|
||
Bumisita kamakailan sa Hilagang Korea si Wu Dawei, Espesyal na Kinatawang Tsino sa mga isyu ng Korean Peninsula. Nakipag-usap si Wu sa mga opisyal ng Hilagang Korea hinggil sa kalagayan ng Peninsula at pagpapanumbalik ng talastasan ng anim na panig hinggil sa isyung nuklear ng Peninsula.
Ipinahayag ito ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang regular na preskon.
Isinagawa ni Wu ang kanyang biyahe sa Hilagang Korea noong ika-17 ng buwang ito.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |