Sanya, Hainan Province ng Tsina--sa kanyang taunang pakikipagtagpo kahapon kay Tony Abbott, Punong Ministro ng Australia, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pasasalamat sa Australia sa paghahanap ng nawawalang MH370 flight ng Malaysia Airlines at sa ibinigay na suporta sa pakikilahok ng Tsina sa paghahanap.
Ipinahayag naman ni Abbott na ang magkakasamang paghahanap ng nawawalang eroplano ay nagpapakita ng taos-pusong pagtutulungan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko.
Ayon sa pahayag kahapon ng panig Australiyano, muling namonitor kamakalawa ng bapor-pandigma ng Australia ang signal na pinaghihinalaang nagmumula sa black box ng nawawalang eroplano.
Salin: Jade