Chinese vessel Haixun 01 sa South Indian Ocean
Patuloy hanggang kahapon ang search operation sa nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines, at muling nakatuklas ang hukbong panghimpapawid ng Tsina ng mga debris sa South Indian Ocean. Bukod dito, patuloy ding isinasagawa ng hukbong pandagat ng Tsina ang paghahanap sa naturang eroplano sa may-kinalamang karagatan ng South Indian Ocean.
Ayon naman sa may-kinalamang ulat, sa isang news briefing na idinaos kahapon sa Kuala Lumpur, ipinahayag ni Hishamuddin Hussein, nanunuparang Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na nabuo na ng kanyang bansa ang tatlong (3) komisyon sa antas ministeriyal para mapasulong ang mga gawaing may-kinalaman sa nawawalang eroplano.
Salin: Li Feng