|
||||||||
|
||
Kapuwa sinang-ayunan ng Tsina at Australia na pabilisin ang kanilang pagtatalastasan sa kasunduan ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan.
Ang kapasiyahan ay ginawa nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Tony Abbott ng Australia sa kanilang taunang pagtatagpo kahapon sa Sanya, Lalawigang Hainan ng Tsina.
Ipinahayag din ni Li ang pag-asa ng Tsina na patuloy na makakalikha ang Australia ng pantay na kapaligiran para sa mga mamumuhunang Tsino.
Ipinahayag naman ni Abbott ang pag-asa ng Australia na mapag-iibayo ng mga mangangalakal na Tsino ang kanilang pamumuhunan sa Australia.
Pagkaraan ng kanilang pag-uusap, tumayong-saksi ang dalawang punong ministro sa paglagda ng dalawang bansa sa mga dokumentong pangkooperasyon sa pinansya, agrikultura at iba pa.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |