Ipinahayag kahapon ng panig Tsino na sa kasalukuyan, pumapasok na sa masusing yugto ang paghahanap ng black box ng nawawalang MH370 ng Malaysia Airlines. Patuloy na magsisikap ang Tsina para matupad ang misyong ito.
Kinumpirma naman kahapon ng panig Australiyano na muling namonitor nila ang pulse signal na pinaghihinalaang mula sa black box.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
154 sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade