Sa isang proklamasyong ipinalabas kamakalawa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), natapos nang araw ring iyon ng Pilipinas at Estados Unidos ang ika-8 round ng talastasan hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong militar ng dalawang bansa. Narating ng dalawang bansa ang mga komong palagay hinggil sa maraming masusing isyu na gaya ng panukalang kasunduan ng pagpapalawak ng eksistensiyang militar ng Amerika sa Pilipinas.
Ayon kay Pio Lorenzo Batino, Punong Kinatawan ng Pilipinas sa nasabing talastasan, at Pangalawang Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, nagkasundo ang dalawang bansa sa maraming masusing probisyon hinggil sa naturang panukalang kasunduan, na kinabibilangan ng di-pagpapahintulot sa pangmatagalang pagtatalaga ng tropang Amerikano, di-pagtatatag ng base militar, at di-pagdedeploy ng malawakang pamuksang sandata sa Pilipinas.
Tinukoy ng mga tagapag-analisa na sa katapusan ng buwang ito, bibisita si Pangulong Barack Obama ng Amerika sa Pilipinas. Sa panahong iyon, lalagdaan ng dalawang panig ang may-kinalamang kasunduan.
Salin: Li Feng