Nagsimula kahapon sa Thailand ang Songkran Festival, Thai New Year. Bilang pagdiriwang sa kapistahan, pansamantalang itinigil ng mga nagtatalong panig ng Thailand ang kanilang alitang pulitikal.
Sa isang seremonya ng kasiyahan sa Chiang Mai, probinsya sa dakong hilaga ng Thailand, ipinahayag ni Caretaker Prime Minister Yingluck Shinawatra ang kanyang pag-asang mapagtatagumpayan ng sambayanang Thai ang lahat ng kahirapan para salubungin ang magandang kinabukasan.
Samantala, sumali naman kahapon sa selebrasyon sa Bangkok, si Suthep Thaugsuban, lider ng oposisyon, kasama ang mga tagasuporta niya. Nauna rito, napagpasiyahan ni Suthep na itigil nila ang protesta laban sa pamahalaan, sa panahon ng Thai New Year mula ika-12 hanggang ika-15 ng buwang ito.
Salin: Jade