Naglakbay-suri kahapon si Pangulong Bashar al-Assad ng Syria sa Ma'aloula, bayang tirahan ng mga Kristiyano, 55 kilometro sa gawing hilagang kanluran ng Damascus. Ang bayang ito ay nabawi ng mga tropa ng pamahalaan mula sa kontrol ng oposisyon, noong ika-14 ng buwang ito.
Bimusita rin ang pangulong Syrian sa dalawang simbahan sa lokalidad.
Ipinahayag ng punong ehekutibo ng Syria, na umaasa siyang mapapanumbalik ang kapayapaan ng bansa, sa lalong madaling panahon. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng Ma'aloula sa kasaysayan, kultura at lipunan ng Syria.
Ang pagbisita ni Bashar al-Assad sa Ma'aloula ay may-kaugnayan sa napipintong pambansang halalan sa Syria.