Ipinahayag kahapon sa Syria ang dumadalaw na si Latin Boroujerdi, Tagapangulo ng National Security and Foreign Policy Commission ng Islamic Consultative Assembly ng Iran, na imposibleng malutas ang isyu ng Syria sa paraang militar.
Sa isang news briefing na idinaos sa Embahada ng Iran, sinabi ni Boroujerdi na kinakatigan ng kanyang bansa ang pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayan ng Syria sa paglaban sa terorismo.
Dagdag pa niya, mas mainam ang kasalukuyang kalagayan ng pamahalaan ng Syria kaysa noong dati at talagang malakas ang tropa ng pamahalaan nito.
Salin: Ernest