|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, patuloy ang rescue operation para sa mga nawawala sa lumubog na "Sewol" ng Timog Korea. Mga bangkay ng tatlong dayuhan ang natuklasan kahapon, na kinabibilangan ng dalawang Tsino. Hanggang alas onse, kagabi, 87 katao ang kumpirmadong nasawi, at 215 iba pa ang nawawala.
Ipinahayag kahapon ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea na dapat agarang imbestigahan ng may kinalamang departamento ng pamahalaan ang dahilan sa likod ng paglubog ng bapor na "Sewol."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |