Nagpadala kahapon ang Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Pamahalaang Pilipino ng magkasanib na pahayag na may kinalaman sa Maynila hostage crisis. Kung saan pormal na humingi ng paumanhin ang huli at nagpahayag ng mataimtim na pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima. Nabanggit din sa pahayag na parurusahan ang mga tauhang may kinalaman sa pangyayaring ito at magsasagawa ng mga hakbangin para maigaratiya ang kaligtasan ng mga turista.
Ayon sa nasabing magkasanib na pahayag, magbabayad ang pamahalaan ng Pilipinas ng danyos sa mga biktima at kanilang pamilya. Parurusahan ang 10 tauhang may kinalaman sa krisis, at tatapusin ang mga gawaing hindi pa natatapos.
Para mapabuti ang seguridad sa mga lugar na panturista sa Pilipinas, bubuo ng special police team para siyang mangasiwa sa kaligtasan ng mga turista.
salin:wle