Ipinatalastas kahapon ni Leung Chun-ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na narating na ang pagkakaisa hinggil sa Manila hostage crisis. Inalis ng Hong Kong ang sangsyon sa Pilipinas, at ibinaba ang antas ng travel alert mula black sa amber. Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Malakanyang na mapapanumbalik na ang normal na relasyon ng Pilipinas at HK.
Nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag, ipinahayag ni Joseph Ejercito Estrada, Alkalde ng Maynila na humingi siya ng paumanhin sa Hong Kong sa ngalan ng gabinete ng Pilipinas. Isiniwalat din niyang ang kabuuang indemnity na babayaran sa mga biktima at kanilang pamilya ay lalampas sa 20 milyong Hong Kong dollar.
salin:wle