Putrajaya, Malaysia—nagpasiya dito kahapon sina Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia at dumadalaw na Pangulong Barack Obama ng Amerika na iangat ang relasyon ng dalawang bansa sa Komprehensibong Partnership. Sa ilalim ng partnership na ito, inaasahang mapapasulong ang diyalogo ng dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya, seguridad, edukasyon, agham at teknolohiya.
Kaugnay ng talastasan hinggil sa Trans-Pacific Partnership (TPP), ipinahayag ni Najib na nagsisikap ang dalawang bansa para malutas ang mga problema.
Ipinahayag naman ni Obama ang kanyang pakikiramay sa kamag-anak ng mga pasahero at tauhan ng nawawalang MH370 Flight ng Malaysia Airlines. Nangako rin siyang patuloy na makikipagtulungan ang Amerika sa magkakasamang paghahanap ng nawawalang eroplano.
Salin: Jade