Putrajaya, Malaysia—ipinahayag dito kahapon ni Najib Razak, Punong Ministro ng Malaysia na sa pakikipagtulungan ng ibang mga bansa, patuloy na maghahanap ang kanyang bansa sa nawawalang MH370 ng Malaysia Airlines.
Makalipas ang mahigit 50 araw matapos mawala ang eroplano noong ika-8 ng nagdaang Marso, mahigit 20 bansa na kinabibilangan ng Malaysia, Australia at Tsina ang lumahok sa magkakasamang misyon ng paghahanap.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas-dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade