Sa isang regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalitang Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na tungkol sa nagaganap na marahas na insidente kamakailan na nakakatuon sa mga tauhan at bahay-kalakal ng Tsina at ibang bansa sa Biyetnam, may di-mapapabulaanang responsibilidad ang panig Biyetnames. Hinimok aniya ng panig Tsino ang Pamahalaang Biyetnames na isabalikat ang responsibilidad nito, at lubusang imbestigahan ang pangyayaring ito, at mahigpit na parusahan ang mga may-kagagawan.
Salin: Li Feng