Isang mensahe ang ipinadala kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Choummaly Saiyasone bilang pakikiramay sa pagkamatay ng mga Laotian leader na sina Douangchay Phichith, Pangalawang Premyer at Ministrong Pandepensa, Thongbanh Sengaphone, Ministro ng Seguridad na Pampubliko, Cheuang Sombounkhanh, Puno ng Propaganda Training Committee, at Soukanh Mahalath, Mayor ng Vientiane, sa air crash na naganap kamakalawa sa gawing hilagang silangan ng Laos.
Sinabi ng Pangulong Tsino na ang naturang mga lider ay gumawa ng mahalagang ambag para sa reporma at pagbubukas ng bansa sa labas, at sa pagpapasulong ng mapagkaibigang relasyong Sino-Laotian. Ang kanilang pagkamatay aniya'y malaking kapinsalaan ng estado at partido ng Laos, at mapagkaibigang pagtutulungan ng Tsina at Laos.