Nag-usap kahapon sa Nay Pyi Taw sina dumadalaw na Ministrong Pandepensa Chang Wanquan ng Tsina at Heneral Min Aung Hlaing, Komander ng Hukbong Pandepensa ng Myanmar.
Sinabi ni Chang na nitong ilang taong nakalipas, lumalawak ang pagtutulungan at pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at Myanmar sa ibat-ibang larangan. Sinabi ni Chang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa at hukbo, para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Sinabi naman ni Min Aung Hlaing na ang Tsina ay matalik na kaibigan ng Myanmar. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap para pahigpitin ang pragmatikong pakikipagtulungang militar sa Tsina para pangalagaan ang komong interes ng dalawang bansa at katatagan sa purok-hanggahan.