Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon ng hapon sa Vientiane sa delegasyon ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina na pinamunuan ni Huang Ming, Pangalawang Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, ipinahayag ni Thongsing Thammavong, Punong Ministro ng Laos ang pasasalamat sa mensaheng ipinadala nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina, at pagpunta ng delegasyon ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina sa Vientiane bilang pakikiramay kina nasawing dating Ministrong Pandepensa Douangchai Phichith at Ministro ng Seguridad na Pampubliko Thongbanh Sengarkhoum ng Laos na nasawi sa pagbagsak ng eroplano kamakailan.
Sinabi ng Punong Ministro ng Laos na ipagpapatuloy ng Laos ang pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng kooperasyong panseguridad. Nananalig aniya siyang tiyak na magiging mabunga ang naturang kooperasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.