Ipinahayag kahapon ni Bounthong Chitmani, Direktor ng Central Discipline Commission ng Lao People's Revolutionary Party, at Puno ng Anti-Corruption Organization ng Laos, na ipinasiya ng pamahalaang Lao na mahigpit na isagawa ang patakaran ng pagsasapubliko ng mga civil servant ng kanilang ari-arian para mapigilan ang korupsyon.
Ayon sa naturang patakaran, dapat isapubliko ng mga civil servant ang mga ari-arian na nagkakahalaga ng mahigpit 2487 dolyares. Halimbawa, lupain, bahay, kotse, at iba pang mga mamahaling bagay.
Bukod sa mga kawani ng pamahalaan, dapat ding isapubliko ng asawa at ibang mga miyembro ng pamiliya nila ang kanilang ari-arian, utang at kita.