Nakipagtagpo kahapon sa Palasyong Pampanguluhan si Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea sa dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina na si Wang Yi at ang kanyang entorahe.
Ipinahayag ni Pangulong Park Geun-hye ang pasasalamat sa pagsubaybay ng Tsina sa paglubog ng "Sewol" ferry boat. Ipinahayag din niya ang pagkondena sa naganap na teroristikong pag-atake sa Urumqi, Tsina. Magsisikap aniya ang T.Korea para sa ibayong pagpapalawak ng kanilang estratehikong partnership sa Tsina. Sinabi niyang positibo ang T.Korea sa konstruktibong papel ng Tsina sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, at sa pangangalaga, kasama ng Tsina sa katatagan at kapayapaan ng nasabing peninsula.
Ipinahayag naman ni Wang na ang Timog Korea ay ituturing ng Tsina bilang mahalagang katuwang na pangkooperasyon sa hinaharap. Ito aniya'y makakatulong sa pagsasakatuparan ng komong kasaganaan at kaunlaran ng dalawang bansa, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Peninsula ng Korea, at pagpapasulong sa kasiglaan ng Asya. Sinabi rin ni Wang na umaasa ang Tsina na pasusulungin ang estratehikong kooperasyon ng umuusbong na industriya ng T.Korea at Tsina at pabibilisin ang talastasan hinggil sa pagtatatag ng free trade zone ng dalawang bansa. Aniya, positibo ang Tsina sa prinsipyong ligtas na sandatang nuklear sa Peninsula ng Korea, at pagpapasulong, kasama ng T.Korea sa pagpapanumbalik ng Six Party Talks.