Isinapubliko kahapon ng Pambansang Lupon sa Kapayapaan at Kaayusan ng Thailand ang "planong pangangasiwa sa estado" para sa pagpapanumbalik ng demokrasiya at pagdaraos ng pambansang halalan sa lalong madaling panahon.
Ang naturang plano ay kinabibilangan ng pagpapanumbalik ng administrasyon ng estado, pagbuo ng lupong lehislatibo at lupon ng reporma, at pagdaraos ng demokratikong halalan.
Ipinahayag din ng Ministring Panlabas ng Thailand na panunumbalikin sa normal ang lagay ng bansa sa lalong madaling panahon para pangalagaan ang katatagan ng bansa at rehiyon.
Binalaan naman ng Embahada ng Tsina sa Thailand ang mga mamamayang Tsinong nandoon na tupdin ang kahilingan ng emergency measures sa lokalidad at pahigpitin ang kamalayan ng kaligtasan.